Pages

Paris Hilton at Jinkee super tsika!


Hindi naging exciting ang laban nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley kahapon.
Maraming nadismaya. Walang malakas na suntukan at may yakapan at pakiramdaman. May pagkakataon pang para silang nagbubulungan.
Kaya naman nang malaman ng karamihan na nanalo na si Pacman sa pamamagitan ng coverage sa radio, parang nabawasan ang interes ng marami na panoorin pa ang delayed telecast ng laban sa GMA 7.
Siguro mas lalong nalungkot ang mga dumayo pa para panoorin ang laban sa Las Vegas. Imagine gumastos sila ng malaki, tapos isang boring fight lang ang mapapanood nila.
Kasama kaya si Paris Hilton sa mga nadismaya sa laban na panay ang tweet tungkol sa labang PacMosley? “So excited for the Pacquiao vs Mosley Fight Tonight! I love going to boxing matches! Such an exciting sport to watch!”
Inabot din siya ng matinding traffic. At nang dumating na raw doon ay nag-flashed si Paris sa big screen habang hindi pa nag-uumpisa ang laban.
Marami pang ibang dumayo sa Las Vegas para panoorin ng live ang laban.
Kasama na ang buong pamilya Gutierrez except for Ruffa – Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Raymond, Richard at dalawang anak ni Ruffa, Dra. Vicki Belo and Hayden Kho at maraming executives ng GMA 7.
Samantala, dahil sa hindi masyadong naging magandang laban nina Pacman-Mosley, ang pinag-uusapan ay si Jinkee. Pagkaganda-ganda raw nito at halos hindi mo na makilala.
At ang bongga, tsika-tsika pala sila ni Paris. In fact, may photo sila – Paris, Pacman and Jinkee na nagtatawanan sa post fight news conference pagkatapos ngang talunin ni Pacman si Sugar Shane Mosley by unanimous decision sa WBO welterweight title fight.
At after ng tsikahan, nakinig pa si Paris sa nasabing news conference. “Hanging out with MannyPacquiao and his beautiful wife Jinkee. They are such a sweet & down to earth couple! Love them! :) tweet niya uli.
“Wow! Such an honor to be brought on stage by Manny & his wife Jinkee after the fight. Can’t wait to visit them when I go to the Philippines.” Nakunan ng AP ang nasabing mga eksena pero nang hinahanap namin ang photos ni Charice habang kumakanta siya ng Lupang Hinirang, wala kaming makita. Meron ba?
Bakit ganun?
Kung sabagay, puring-puri naman ang pagkakanta niya.
At totoo nga. Perfect at hindi siya bumirit nang eere na sa GMA 7 kaya wala sigurong magrereklamo sa National Historical Institute (NHI).
* * *
Napanood ko sa Bottomline hosted by Boy Abunda si Danica Magpantay, ang Supermodel of the World 2010 Grand Prize winner.
Nakakabilib siya na napaka-down to earth at parang walang arte sa katawan samantalang kung tutuusin ay puwede na sana siyang mag-inarte kahit sa pagsasalita pa lang. Pero iba siya. Parang napakabait at humble.
Sana matuto sa kanya ang isang actress na hindi pa man gaanong sumisikat ay maarte na at feeling sikat pa.
Si Danica, naka-rubbing elbows na ang mga sikat na model sa New York, still, bait-baitan siya.