Pages

Frank Magalona takes on leading-man role in his first acting project


"Parang na-realize ko na lang pagka-graduate ko, na parang I'm looking forward to doing something else, something far from what I did in college. Para lang ma-try ko. Since family naman namin is showbiz, bakit hindi ko na lang subukan itong ganitong klase ng trabahong ito?" says Frank Magalona about venturing into show business.
 
Kung buhay pa raw ang King of Pinoy Rap na si Francis Magalona, malamang ay todo ang suporta niya sa desisyon ng anak niyang si Frank Magalona na pasukin na rin ang mundo ng showbiz.

"Siguro matutuwa din siya kasi parang 'yon din naman ang gusto niyang gawin namin—gawin lang namin ang gusto naming gawin at galingan namin sa field na kung saan man kami papasok."

Ito ang sabi ng 23-year-old newbie actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Blusang Itim, kagabi, Mayo 9, sa Skyline restaurant ng GMA Network Center.

Si Frank ang pangalawang anak na lalaki nina Francis at Pia Magalona.

Siya ang ikalimang anak ni Francis na pumasok sa mundo ng showbiz. Nauna na sa kanya ang kanyang ate na si Maxene Magalona, at mga nakababatang kapatid na sina Saab, Elmo, at Arkin.

Kilala rin ang grandparents ni Frank na sina Pancho Magalona at Tita Duran bilang movie loveteam noong 1940s at 1950s.

Ayon kay Frank, na gaganap bilang Angelo sa Blusang Itim, matagal na niyang gustong mag-artista. Subalit inuna muna niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

"Before, may mga offers na rin pero I didn't want to because gusto kong mag-concentrate sa pag-aaral," sabi pa ni Frank.

Natapos niya ang kursong Fine Arts sa University of the Philippines, Diliman, Q.C. At ayon kay Frank, hindi rin naman nalalayo ang pag-aartista sa kanyang pinag-aralan noong kolehiyo.

"Para sa akin kasi, this is also a form of expression, 'yong acting.

"So, I think it's not really far from what I did in college. It's just another form of expression.

"Like noong college ako, I used to paint, I used to sculpt," paliwanag ni Frank.

At dahil galing siya sa pamilyang kilala sa showbiz, hindi nagdalawang-isip si Frank na umpisahan ang kanyang showbiz career.

"Parang na-realize ko na lang pagka-graduate ko, na parang I'm looking forward to doing something else, something far from what I did in college. Para lang ma-try ko.

"Since family naman namin is showbiz, bakit hindi ko na lang subukan itong ganitong klase ng trabahong ito?" saad niya.

Ano naman ang mga payong naibigay sa kanya ng mga kapatid na naunang pumasok sa showbiz?

Sagot ni Frank, "Since sila na-experience na nila ang ganitong klaseng trabaho, tinutulungan nila ako.

"Like, binibigyan nila ako ng tips kung papaano ang gagawin kapag taping, paano ie-execute ang mga ganitong bagay.

"Tinutulungan nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng tips."

FEELING BLESSED. Maituturing na isang magandang biyaya ang pagpasok ni Frank dahil kahit baguhan siya, lead role kaagad ang  gagawin niya sa Blusang Itim.

Nerisa Almo @ PEP.ph